Jionel C. Carlos Museum

August 24-25, 2025

Biliran, Philippines

Difficulty: 7/9

Traverse Hike

Actually, I’ve been into hiking na rin for a while, pero puro day hikes lang — never pa akong nagka-experience ng camping. Kaya this time, sabi ko sa sarili ko, dapat ma-try ko talaga ‘yung full camping experience. Perfect timing kasi may holiday nung last week of August, so sabi ko, dapat may hike ako. Nag-check ako sa mga hiking GCs, and sakto, may schedule para sa dates na ‘yun. Late nga lang ako nag-confirm, two days before the hike pa ako nagpa-book. 😂

Before the day of the hike, nag-check din ako about Mt. Panamao — naghanap ako ng konting info kung ano ‘yung pupuntahan namin, para may idea lang kahit papano. Doon ko rin nakita ‘yung Camp Beben, and sa pictures pa lang, ang ganda na. Doon pa lang, mas lalo akong na-excite na maranasan ‘yung camping vibe.

a day before the hike at Basic Brews with my favorite duo Espanyol and Ensaymada

Hike day! 🥾 Start pa lang ng trail, ramdam ko na agad na iba ‘to. Medyo challenging kasi hindi gaya ng day hikes na konti lang dala ko. Ngayon, mas mabigat ‘yung bag kasi camping, so kailangan mag-adjust. Sa totoo lang, ilang beses din ako nadulas sa daan papunta sa campsite. 😅 Ganun pala talaga pag camping, mas marami kang dala kumpara sa day hike setup.

my camera bag diri pa level
Mabugat diri pa asya it kabutang

Mga 12 noon, nakarating kami sa unang campsite, pero hindi doon ang final stop. Hindi nila masyadong gusto ‘yung spot, so nag-decide kami na sa Camp Beben na lang kami mag-stay later. Pero bago pa ‘yun, iniba ng guide ang plano — sabi niya, akyat na kami ng summit muna bago bumaba sa campsite. Supposedly kasi, bukas pa dapat ‘yun, pero para makasave ng oras, ginawa na namin ngayon.

First campsite
Nart hiking buddy
ibang kasama namin

Papunta ng summit, ibang vibe na talaga — sobrang ganda ng trail. Ang daming mossy trees, parang enchanted forest feels. Malapit na kami sa junction papuntang summit at Camp Beben route nang sinabi ng guide na pwede muna naming iwan ‘yung mabibigat na bags doon para mas magaan ‘yung akyat. Grabe, lifesaver talaga ‘yun!

Pagdating sa summit, kahit hindi siya open view, sobrang sulit pa rin kasi ang ganda ng paligid. May mga mossy trees na sobrang aesthetic, kaya syempre, picture-picture mode muna kami doon. 📸

Mt. Panamao Summit

After summit time, bumalik kami sa junction para kunin ‘yung bags, tapos start na ulit ng trail papuntang Camp Beben. Dito na nagsimula ang pinaka-mahabang stretch ng hike. Around 4–5 PM, ramdam ko na talaga ‘yung pagod — physically drained, halos ubos energy. Tapos habang pababa kami, biglang nag-hit ‘yung existential crisis moment:
“Tama ba itong pinasukan ko?” 😅
Iniisip ko kung makakarating pa ba kami bago dumilim, kung worth it ba lahat ng pagod na ‘to.

Buti na lang, sobrang supportive ng local guide at ng coordinator. Hindi ka nila pababayaan, lalo na kapag ramdam nilang pagod ka na.

Finally, after that grueling descent, dumating din kami sa Camp Beben — at pagdating doon, sulit lahat. Tahimik, maganda ‘yung campsite, at ramdam mo na talaga ‘yung reward after ng buong akyat at pagod

Finally at Camp Beben